Friday, January 13, 2006

all u need is blog!

Eto na po mga kaibigan, ang pinakahihintay ng lahat. Wala na sigurong makakapigil pa. Bilang tugon sa nughuhumiyaw na hinaing ng mga walang tinig sa lipunan. Ang pagbabalik. Ang muling pagkabuhay. Ang resbak, 'ika nga. Bunga ng malikot na pag-iisip. Sinaliksik mula sa kaburyongan na nanunuot sa kalamnan ng isang manginginom sa toxic-infested land waste called Kalookan. Look! Hapindaskai! Hisaburd! Hisapleyn! Kablog!

Opo. Eto ang pinakaunang blog post ni cherman, aka lowlife, aka, negro (nung highschool kasi tinutukso akong negro ng drayber kong si errol, aka redford white aka coach time cone), aka tito romz (as baptized by the ever azzzhioniss himself, richie aka tito hesszz, aka 'chie, aka chard, aka sayk ...).

Dati kasi, nung college. Mega-doodles ako sa filofax na regalo ata sa kin nung xmas partey namin during the peyups deys. Some sorta diary,yah know. While chillin out at our tambyan under the bamboo tree behind Manang Carmen's rolling superstore. Andun lahat---mula sa mga ups and downs, twists and turns, sideways,finlames na mga names ng crushes, quotable quotes, compositions, poems, novels, kodigo, at marami pang mga impormasyon na bunga ng kaburyungan at iba pang nararamdaman sa buhay.

At sa pinagkahaba-haba ba ng panahon na nilustay ko kakapuyat sa pakikipaginuman eh ngayon ko pa naisipanna mag-blog? Simple lang yan. To put it eloquently, buryong lang ako. Dumadating kasi sa isang tao na nagsasawa na dahil paulit-ulit na lang ang ginagawa nya. Sa kaso ko, sawa na kong matulog pagkatapos ng Bulagaan at pag wala na kong mapanuod na okey na programa sa kaybol. Sabi ng matatanda, nakakatangkad daw un. Nung bata ako, lagi ako pinapatulog matapos kumain. Ang nangyari, imbes na tumangkad ako eh lumapad ako. Tuksoy tuloy sa kin, ako si Tomtom ng Yagit.

Isa pa. Ayoko nang maging dedma sa mga nangyayari sa kapaligiran ko. Nagkaroon ako bigla ng rebelasyon na di pupuwedeng magtikom-bibig na lang ako sa mga nasasaksihan ko. At kelangan din malaman ninyo kung ano mga iniisip ko, mga opinyon ko ukol sa isang masalimuot na isyu (eg. paano malasing sa halagang bente pesos lang), at mga suhestyon kung paano mareresolba ang mga ito. Kaya hayun, nagkaroon tuloy ako ng samkaynda "epiphany" via inuman namain kagabi kasama tito hesszz, erhick vhoii, narding and reden aka jasper. "Pare, kelangan mo magsulat ng mga ginagawa naten," atungal ni Tito Heszz, na nakauna na pala sa inom dahil naka-Grandma giraffe (Gran Matador na long neck)na pala bago syat ang San Mig light. "Hmmm," malinaw na sagot ko. Sabagay, kelangan madocument ang mga adventures para pagtagal eh matatawa n lang kame sa pagbalik-tanaw ginawa pala namin to this and that, pumunta pala kame sa mga ganitong lugar, at s&*#%mpe pala namin si ganito o ganyan. Hehehe! (gastits)


Kaya heto. Beginning today, blogging magba-blog ako blag me tym ako. Blog-ong naman kung aaksayahin ko time ko kakapanuod kay norman blog magshow sa YM. Kaya mga blog, pag trip nyo magbasa, dito n kayo. All u need is blog (kwang, kakwang, kwangk).

Hanggang sa muling pagba-blog. Baka maubos na kasi load ko sa internet. Pangako, mga blog. I'll keep u posted.


Pabati,

Von Boyage nga pala Ke Mommy ni Kuye Erhick at Arnel. Hinatid namin kaninang madaling araw sa airport. Dami chiching kahit madaling araw! Tsk! Ahhh!







0 Comments:

Post a Comment

<< Home